Holdaper tigbak nang makipaghabulan sa parak

PATAY ang isang holdaper habang sugatan naman ang kasama nitong 14-anyos nang makipaghabulan sa mga rumespondeng elemento ng Manila Police District (MPD) sa naganap na holdapan kagabi (Disyembre 16) sa may Lagusnilad, Taft Avenue, Maynila.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente ang isang suspek na inilarawang nasa edad 25-30, may taas na 5’2”, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng kulay brown na t-shirt, jersey short pants, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik at may tattoo na “Mr.Thug 01” sa kanang braso at nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at likod.

Inoobserbahan naman sa Philippine General Hospital (PGH) si James, 14, miyembro ng Batang City Jail at taga-Paco Market, Maynila na tinamaan ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Mario Asilo, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa may south bound underpass ng Lagusnilad sa may Taft Avenue, Maynila.

Narekober sa unang biktima ang isang fan knife na hawak pa ng kanang kamay nito.

Bago ang naganap na pakikipaghabulan sa mga puwersa ng MPD Mobile 382, nalaman na isang pampasaherong jeep ang hinoldap ng dalawa.

Nang makita ang mga naka-unimpormeng pulis sakay ng mobile car ay kaagad na nagpulasan ang dalawa, dahilan para habulin ng mga pulis.

Dinala ang bangkay ng unang biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply