Home along the River mahigpit na ipagbabawal

MARAPAT nang seryosohin ng Senado ang pagpapatibay ng panukalang batas para ipagbawal ang pagtatayo ng bahay sa pampang ng ilog, lawa at iba pang waterways upang maiwasan ang nangyari sa Cagayan de Oro City at Iligan City na ilang daang katao ang namatay matapos anurin ng flashflood sanhi ng bagyong Sendong noong Sabado.

Ayon kay Sen. Manny Villar, obligasyon ng gobyerno na protektahan ang mamamayan mula sa hagupit ng kalamidad at isa sa maaaring gawin ang pagpapairal ng batas para na rin sa kanilang kapakanan.

“It is the policy of the State to protect the people from natural and man-made disasters and to implement laws to achieve such purpose,” giit ni Villar.

Sa Senate Bill No. 2956 na inihain ni Villar at pinamagatan na “The Housing Ban Along Riverbanks Act of 2011, bawal nang magtayo ng bahay sa loob ng sampung metro mula sa gilid ng ilog, waterways at bodies of inland waters.

Pagmumultahin ang barangay chairman, mayor at gobernador ng P 50,000 at kulong ng hanggang anim na buwan kung matatayuan ng bahay ang mga gilid ng ilog at waterways kahit na walang permit mula sa kanilang tanggapan.

Sakaling maulit ng ilang beses ang paglabag, maaari pa silang patalsikin sa puwesto.

Sa nangyaring trahedya sa Cagayan de Oro City, karamihan ng nabiktima ng flashflood ay nakatira sa pampang ng Cagayan River. May isang libong katao ang namatay dahil sa flashflood dulot ng malakas na buhos ng ulan ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City, Iligan City at Dumaguete City.

About Gwenn

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>