Horn tulad ni Bunye na sinungaling – Jinggoy

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Jinggoy Estrada na magkatulad ang hilatsa ng pananalita nina dating Press Secretary Ignacio Bunye at Elena Bautista-Horn, ang tagapagsalita ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“I likened Elena Bautista-Horn to Sec. Bunye na kapwa maganda sana ang kredibilidad noong araw. Itong si Sec. Bunye ok na sana, kaya lang noong nilabas niya iyong dalawang CD, biglang naging sinugnaling siya. Ganoon din si Elena Horn, malumanay, magaan ang dating. Pero noong sinabi niya ang plot na “Put the little girl to sleep,” parang nawala lahat ng kredibilidad niya,” paliwanag ng senador.

Sinabi pa ni Estrada na isang “kalokohan” ang pinagsasabi ni Horn na may Oplan “Put the little girl to sleep” dahil wala naman umanong ganitong koda ang military.

Kasabay nito, sinuportahan naman ni Estrada ang panukala na sagutin ng gobyerno ang gastusin ni Arroyo sakaling mailipat ito sa Veterans Memorial Medcial Center (VMMC) alinsunod sa kautusan ng korte.

“Ok lang dahil noong kami ang nasa Veterans, sinagot din naman ng gobyerno iyon. Hindi naman namin kagustuhan na pumunta sa Veterans noon pero doon kami dinala,” paliwanag ni Estrada.

Suportado ang kahilingan ng kampo ni Arroyo na manatili itong kumilos bilang kinatawan ng Pampanga dahil wala pang pinal na desisyon ang korte at hindi naman siya pinatalsik ng Mababang Kapulungan.

Bakit ako ba pinag-function nila as mayor noon? Hindi rin. Saka iyung sa amin, walang court order yun. Sa amin, basta ayaw ni Gloria, in-instruct niya ang mga pulis, hinalungkat lahat ng mga pulis, kung may cellphone. Pinasok kami noon sa kuwarto namin, hinalungkat lahat ng cellphone,” ayon kay Estrada. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply