Horse-of-the-year target ni Magna Carta

DAHIL sa pagkakapanalo ni Magna Carta noong Linggo (Disyembre 11) sa naganap na Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ay nasama bigla ang pangalan nito sa mga pagpipilian bilang Horse-of-the-year ngayong taon.

Sa kalagitnaan ng taon ay maugong pa rin ang pangalan ni 2010 Philippine Sportswriters Association, (PSA) H-o-Y awardee Yes Pogi pati si 3rd leg Triple Crown ruler Tensile Strength para sa nasabing prestihiyosong award.

Subalit dahil sa ipinakitang husay ng anak nina Woodman at Pledge The Fifth na si Magna Carta na ginabayan ni reigning back-to-back PSA jockey-of-the-year Jessie Basilio Guce ay lumaki ang tsansa nitong makamit ang karangalan.

Nagpa-pogi din kay Magna Carta ang nakuha nitong premyong P2.5 milyon upang malaglag ang ibang mga kasamahan niyang pinagpipilian para sa award.

Nagtala ng 2:07 tiyempo sa 2,000 meter si Magna Carta sa PGC, sapat upang iwan ng may limang kabayong distansya sa nasegundong si Sulong Pinoy.

Hindi na sumali sa PGC si Tensile Strength dahil sa pagkakaroon ng injury sa kanyang paa.

Sa huling tatlong buwan ay bumagsak ang performance nina Yes Pogi at Tensile Strength habang si Magna Carta naman ay umaangat ang kanyang performance.

“Nawala ‘yung galing ni Tensile Strength ng bitawan siya ni Zarate, (Jeffrill).” komento ng isang karerista.

Si star jockey Zarate ang gumabay kay Tensile Stregth ng manalo ito sa huling leg ng triple crown series.

Pagkatapos pumutok ng bagong taon ay malalaman na kung sino ang tatanghaling 2011 Horse-of-the-year. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply