UPDATE: Hostage taker ng 3 bata, utas sa pulisya

UPDATE: PATAY na ang hostage taker habang nasa ligtas nang kalagayan ang tatlong menor de edad na kanyang binihag matapos ang limang oras na hostage drama sa Barangay Biga, Toledo City, Cebu, sa ulat ng pulisya kanina.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., bumigay ang katinuan ng suspek na si Allan Bolo na may dalang itak at hinostage ang mga kapitbahay nitong bata makaraang iwan ng kanyang asawa.

Sa report na ibinahagi ni Cruz, naganap ang hostage taking bandang alas 6:30 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng mga batang hostage na sina Juvy Guiquing, Junjun Guiquing at Arvy Plando.

Una rito, ang punong barangay ng Biga Toledo ang nagsagawa ng negosasyon ngunit nagmatigas ang suspek.

Matapos ang may limang oras na pagtitiyaga ng mga pulis ay napilitan nang barilin ang suspek nang ilagay na nito sa panganib ang buhay ng isang bata.

Napag-alaman na humihingi ang suspek ng isang armalite rifle, .45 na kalibre ng baril at granada kapalit ng pagsuko niya.

Bahagya namang nasugatan ang isang bata, habang ligtas ang dalawang iba pa na ngayon ay isinailalim sa stress de-briefing.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply