Hostage-taking sa Cebu tapos na, suspek utas sa parak

HUMUPA na ang hostage drama sa Barangay Biga, Toloedo City, Cebu na nagsimula pa kaninang madaling araw.

Napilitang i-assault ng mga awtoriad ang suspek na si Allan Bolo kaya nabaril nang makahanap ng tamang pagkakataon ang mga pulis.

Dahil sa dami ng kaniyang mga demand, naging imposible na para sa mga negosyador na maibigay ang mga kahilingan nito.

Bago mabaril ang suspek, humingi pa si Bolo ng isang armalite, baril na kalibre 45 at  granada.

Samantala, bahagyang nasugatan ang isa sa tatlong bata na hinostage ni Bolo dahil tinamaan ito ng kaniyang bitbit na itak nang siya ay mabaril.

Isinugod na sa pinakamalapit na pagamutan sa Toledo City ang bata.

Dinala rin ang suspek at dalawa pang binihag sa naturang pagamutan para masuri dahil alas-5:00 pa ng madaling araw hawak na sila ng suspek.

Nabatid sa awtoridad na nilayasab ang suspek ng kaniyang asawa at anak makaraang mag-away dahil sa selos bago ito nang-hostage.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply