House arrest kay GMA malabo – Noynoy

MALABONG maranasan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ma-house arrest.

Katwiran ni Pangulong Benigno Aquino III, nagkaroon pa ng pag-aresto sa dating lider kung mauuwi rin sa house arrest ang lahat.

Si GMA ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa kanyang karamdaman.

Ipinaaresto siya ng Pasay City RTC makaraang makitaan ng probable cause ang kasong electoral sabotage na isinampa ng Commission on Elections (Comelec) laban sa kanya.

Sa kabilang dako, binigyang diin ng Chief Executive na makakaasa naman si Arroyo na maprotektahan ang lahat ng mga karapatan habang nakakulong.

Depende na lamang aniya iyon sa korte kung saan nararapat ikulong ang dating
Pangulong Arroyo.

“Bakit house arrest? Bakit nagkaroon pa ng arrest? We will accord, protect their rights, but there are issues that should be addressed,” ayon kay Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply