Hoy Manang Cristy ubod nang yaman ang inookray mong si Kris Aquino

SIGURO dahil wala nang masulat sa kanyang mga kolum itong si Manang Cristy Fermin, the certified Golden Girl Orocan of all generation kaya ang lead star naman ng Segunda Mano na si Kris Aquino, na inaabangan na ng moviegoers ang biggest horror movie, ang inookray nito ngayon.

Imagine! Ang lakas ng loob ng chakang oslaerang TV host (Cristy) na ito na laitin ang regalo ni Kristeta sa kanyang mga close friends this year. Puro raw kasi mga produktong ini-endorso raw ng Queen of Talk ang ipinamigay nito na nilagay sa magagandang box. Bakit? Anong masama kung ‘yun nga ang mga Christmas gift ni Kris?

Bakit hindi mo isinulat ‘yung mga niregalo nitong mamahalin na bagay sa director nila nina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban sa Segunda Mano na si Direk Joyce Bernal, sa magaling na cinematographer nila sa movie na si Charlie Peralta, ganoon¬† na rin ang ibinigay nitong regalo na trip ng leading man na si Dingdong at girlfriend ng actor na si Marian Rivera sa Tate.

Heto, pa Manang Cristy sa nakaraang grand presscon cum Christmas Party ni Kris para sa invited entertainment press, namigay lang naman sila ni Dong ng daan-daang libong piso at hindi pa kasama riyan ang anim na Union LCD Flat TV na isa rito ay napanalunan ng inyong dear columnist. May expensive Philip Stein watches ring ipinamigay ang host ng top-rating Morning show na Kris TV.

Naku! You talaga, Manang Ferminata, nakapa-low talaga ng iyong memory ha? You need to drink milk and take vitamins for your brain nang mawala ‘yang memory gap mo. Si Kris ba ang ko-question-in mo eh, ubod ng yaman ‘yan saka di ba? May mga payables ka pa sa kanya?

Mag-pay ka na ng utang mo no?

By the way, dahil sa good karma ang sikat na actress-TV host-producer, ngayon pa lang ay nais na namin silang i-congratulate dahil napababalitang isa ang kanilang Segunda Mano sa mga posibleng maging top-grossers rin, along with Enteng Ng Ina Mo, nina Bossing Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, Panday 2 na pinagbibidahan nina Senator Bong Revilla at Marian Rivera at hahabol naman ang de-kalidad at de-kalibreng remake movie ni Laguna Governor ER Ejercito aka Jeorge Estregan at Carla Abellana na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na da best talaga for us di ba, Mama Jobert Sucaldito? Susundan naman ito ng Shake Rattle and Roll 13, My Househusband Ikaw Na!, at panghuli naman ang Yesterday, Today and Tomorrow na produced ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde. Korek na korek gyud!

o0o

Kaseksihan ni Alice Dixson courtesy of Dra. Kellyn Sy kinaiinsekyuran

NANG bumalik ng bansa si Alice Dixson para gawin ang comeback TV project niyang Ang Babaeng Hampaslupa sa TV 5, medyo nagdagdag ng timbang ang dating Miss Philippines International na naging famous noon dahil sa linyang “I can feel it!” sa kanyang Palmolive commercial at ngayon ay napapanood naman sa Glamorosa sa TV5 kasama si Lorna Tolentino.

Anyway, bilang artista ay kailangang pangalagaan ni Alice ang kanyang pigura at sa tulong ng beauty expert na si Dra. Kellyn Conde Sy o mas kilala ng kanyang mga rich and famous client sa tawag na Doc K Sy, hayun balik na uli sa kanyang kaseksihan si Alice. At kung anong procedure ang ginamit sa kanya ng nasabing doktora?

Ginamitan siya ni Doc K ng “De-Butter Body Contouring Machine” na base sa cryotech- niques ay very effective na tumunaw ng taba sa ating katawan. Ang resulta nito ay similar sa liposuction.

Ang maganda pa sa de-butter body contouring ay non-surgical ito kaya walang kaba o magiging takot ang pasyente.

By the way, konting info lang about Doc Kellyn Sy. Isa siyang Alchemist of Beauty at ang kaalaman niya sa proseso ng iba’t ibang uri ng pagpapaganda ay ang pagkuha niya ng exclusive Molecular Biology and Biotecnology undergraduate program sa UP College of Medicine.

Marami rin siyang pinagdaanang training sa iba’t ibang areas ng cosmetics and aesthetics dito sa ating bansa at sa Amerika kung saan nag-train siya sa Rayner Institute of Aesthetic Medicine. Kaya, kung gusto nyo’ng maging ageless beauty at sumexy tulad ni Alice Dixson at iba pang personalidad pls visit Doc Sy clinic located at No. 14 Zinia St. Valle Verde 2, Pasig City. And for inquires and your appointment call them at 215-6688 or CP Nos. 0917-8177372.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply