Huling nagkangkangan, suwak sa kulungan

KALABOSO ang isang magkalaguyo matapos maaktuhan ng mister habang mainit na nagtatalik sa loob mismo ng silid nilang mag-asawa sa Baguio, sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, hinayaan ng mister na umabot sa sukdulan ang magkalaguyo at sa halip na istorbohin ang dalawa sa kanilang pag-uulayaw ay nagtungo na lamang ito sa Baguio City Police Office Station 6 upang magharap ng reklamo.

Ayon sa salaysay ng mister na itinago sa pangalang Trumpet, 56, naaktuhan niyang nakikipagtalik ang kanyang misis sa ibang lalaki sa mismong kama nilang mag-asawa sa kanilang tahanan sa Ambiong Road, Aurora Hill, Baguio City.

Nagkataon umanong sumakit ang ulo ng complainant kaya nagpasyang dumiretsong umuwi ng kanilang bahayan subalit laking gulat nang makita ang pagtataksil ng kanyang misis na nakikipagtalik sa isang 30-anyos na lalaki.

Gayunman, sinabi niya na imbes maghiganti o saktan ang kanyang asawa ay minabuti na lamang niyang isuplong sa pulisya ang ginawa nito at kalaguyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply