Humble Riches pinapaboran sa Juvenile Race

TUMATAGINTING na P1.8 milyon ang nakalaan sa magaganap na Philtobo Juvenile Grand Championship sa Sta. Ana Park sa Naic Cavite bukas ng hapon (Disyembre 4).

Masisilayan sa nasabing malaking premyo ang wala pang talong si Humble Riches na gagabayan ni class A rider Val Ramos Dilema.

Si Humble Riches na pag-aari ni Kenneth Causon ang isa sa kinatatakutang pangarerang batang kabayo sa bansa dahil halos lahat ng laban ay impresibo.

“Sigurado lahat naghanda sa karerang ito pero lalagay pa rin ako kay Humble Riches dahil napakahusay talaga niya.” ani Angelito Alvarez isang karera aficionado.

Inaasahang magbibigay naman ng magandang laban ang kalahok na sina Steel Creation na rerendahan ni star jockey Jonathan Basco Hernandez at Spring Collection na sasakyan ni reigning back-to-back Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey of the year awardee Jessie Basilio Guce.

Ang ibang kalahok sa event na may distansyang 1,600 meter race ay sina Purple Ribbon, Fort Alamo, Dajorca, Yes Yes Yes, Smarty Ryan, Cinderella Kid at Viva Andres.

Kasama rin sina Isa Pa Isa Pa na kakampi ni Humble Riches at Ikel na couple entry ni Spring Collection.

May matatanggap din na P675,000 ang pangalawang tatawid ng meta habang P375,000 at P150,000 ang iuuwi ng third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi rin ng P60,000 ang winning breeder ng winning horse na inisponsoran ng Philtobo. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply