Humble Riches wawalisin ang 2-year-old races

HALOS buong bayang karerista ay nakatuon kay rising track star Humble Riches.

Kapapanalo lamang ng two-year-old horse Humble Riches noong Linggo (Disyembre 4) matapos nitong hablutin ang P1.8 milyon nang manalo sa naganap na Philtobo Juvenile Championship sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa darating na Linggo (Disyembre 11) ay rarampa naman si Humble Riches sa pista ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite upang muling mangharang sa Juvenile Championship kung saan ay P1.5 milyon ang nakataya para sa magwawaging kabayo.

Pakay ng mga connections ni Humble Riches ang pantayan ang nagawang record ni Silver Story noong 2000 matapos nitong walisin ang lahat ng 2-year-old races.

Si Silver Story ang pang-walong kabayong naka sweep ng Triple Crown Championship series.

Matutupad lamang ang balak ni Kenneth Causon, may ari kay Humble Riches kung mananalo ang kanyang pambato sa Linggo.

Walang pang dungis sa pitong laban ang anak ni Tribal Rule mula sa inahing si Starlight Wish na si Humble Riches.

Makakalaban ni Humble Riches ang mga tinalo niya noong Linggo na sina Steel Creation at Cinderella Kid.

Ang ibang naghahamon na kabayo sa 1,600-meter race ay sina Hagdang Bato, Patron, Golden Empire at Purple Ribbon.

May maiuuwing P562,500 ang pangalawang kabayong tatawid ng meta habang P312,500 atP125,000 ang ibubulsa ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply