Hypermart sa Isabela nasunog

NASUNOG ang Talavera Hypermart sa Cauayan City, Isabela dakong 7:45 kagabi, ayon sa ulat ngayon.

Nagsimula ang naturang sunog sa ikalawang palapag ng supermarket na mabilis na kumalat dahil sa mga garments, laruan at plastic na naroroon.

Agad namang nakalabas ng supermarket ang mga mamimili at mga empleyado.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog ngunit sinabi ng ilang mamimili na maaaring sa airconditioning unit o sa Christmas lights nagsimula ang sunog matapos na mag-spark.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply