Ian Sangalang MVP sa PCCL league

TINANGHAL si Ian Sangalang ng San Sebastian College-Recoletos na Most Valuable Player sa katatapos na Philippine Collegiate Champion’s League (PCCL). Naga-average ang 6’6” na si Sangalang ng double-double para maungusan ang ka-teammate na si Calvin Abueva na napabilang sa first team na binubuo nila Greg Slaughter at Nico Salva ng Ateneo at Junmar Fajardo ng University of Cebu.

Bukod sa parangal kina Sangalang, Abueva ng Stags, nakamit din ng coach ng San Sebastian na si Topex Robinson ang Coach of the Year honor habang ang best performing referee award ay nakuha ni Romy Mangibin.

Tinalo ng Stags ang Ateneo Blue Eagles ni coach Norman Black sa best-of-three finals habang tinanghal na third placer ang San Beda Red Lions at ang fourth place ay nasungkit ng University of Cebu. Pinarangalan din ang North Central Luzon champions University of Northern Philippines, University of Batangas na kampeon ng South Luzon-Bicol Region, at ang team champion ng Visayas na AMA at ang kampeon sa Mindanao na STI Quintet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply