Ilang bayan sa Albay nanganganib nang lumubog

IPINAG-UTOS kaninang hapon ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang early dismissal sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan.

Ito ay dahil na sa patuloy na nararanasang sama ng panahon na nagsimula pa noong mga nagdaang araw.

Sa advisory ng PDRRMC sa pamumuno ni Albay Gov. Joey Salceda, para mailayo ang mag-aaral sa anumang peligro dulot ng malalakas na pag-ulan at matinding baha, agad na ipinag-utos nila ang maagang pagpapauwi sa mga bata.

Nangangamba na rin ang mga residente sa ilang bayan sa nasabing lalawigan na posibleng lumubog nna sila dahil sa baha at patuloy na pag-ulan.

Partikular na tinukoy ng PDRRMC na nanganganib ngayon sa mas mataas na lebel ng tubig-baha ang bahagi ng Brgy. Cullat at Padang.

Ilang biyahe na rin ang naaantala patungo sa ilang mga katabing lalawigan dahil sa mataas na tubig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply