Ilang daan sa Makati City isasara ngayong hatinggabi

ILAN sa mga pangunahing lansangan sa Makati City ang isasara ngayong gabi para sa paghahanda sa New Year’s Eve countdown na gaganapin sa kanto ng Ayala at Makati Avenue.

Simula mamayang hatinggabi, Disyembre 29 hanggang Enero 1, isasara ang Ayala Ave. mula Paseo de Roxas hanggang North Drive, mula Fonda Street patungo ng Paseo de Roxas at Makati Ave.

Sarado rin ang magkabilang lane ng Paseo de Roxas hanggang Dela Rosa St. at walang mga pampasaherong bus ang papayagang makadaan sa Ayala Ave. mula EDSA at Gil Puyat Ave.

Bunsod nito, inaabisuhan ni Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay ang mga motorista na iwasan na ang mga nasabing pangunahing daan at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta na inilatag ng Public Safety Department ng lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply