Ilang militanteng grupo nagmartsa sa Mendiola

NAGMARTSA ang ilang militanteng grupo sa tulay ng Mendiola bilang pag-obserba sa International Human Rights Day ngayon.

Ang kilos-protesta ay pinangunahan ng grupong Karapatan at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Ito ang unang pagkakataon ng mga militanteng grupo na muling makapagprotesta sa Mendiola makaraang magkagirian ang mga raliyista at mga alagad ng batas nitong mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Bayan Secretary-General Renato Reyes, Jr. na nakalulungkot dahil sa kabila ng pagpuri ng US Embassy sa pamahalaan tungkol sa mga umano’y natamo nito sa larangan ng human rights ay nagpapatuloy pa rin ang mga pang-aabuso na nangyari noong nakalipas na administrasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply