Ilang tulay sa Isabela, Cagayan di madaanan dahil sa baha

HINDI madaraanan ngayon ang ilang mga tulay sa Isabela at Cagayan dahil sa pag-apaw ng Cagayan River, ayon kay Benito Ramos, executive direktor ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang sa mga hindi madaanan ay ang Alicaocao Bridge sa Cauyan City, Isabela; Gugab Bridge sa Echague, Isabela; Sta. Maria Bridge sa Cabacan, Isabela; Anaconan Bridge at Itawes Bridge sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Ramos na ngayon pa lamang bumababa ang tubig sa Cagayan River, ang ulan na ibinuhos sa Sierra Madre Mountain at Cordillera Mountain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply