Iligan, Cagayan de Oro City isinailalim sa state of calamity

DAHIL sa labis na pinsala na idinulot ng pananalasa ng bagyong Sendong, ay isinailalim na sa state of calamity ang Iligan City at Cagayan de Oro City.

Batay sa ulat, lubog sa baha ang 11 barangay sa Iligan City habang 17 barangay naman sa Cagayan de Oro City na naging dahilan ng pagkamatay ng 79 katao at pagkawala ng mahigit sa 200 iba pa.

Ayon naman kay Iligan City Mayor Lawrence Cruz, ito ang kauna-unahan at pinakamalalang kalamidad na naganap sa kanilang lugar.

Daan-daang pamilya ang sapilitang lumikas sa kani-kanilang nawasak na tahanan sa dalawang lungsod dahil sa flasflood na naganap kaninang madaling araw.

Sa ngayon ay apektado pa rin ang supply ng kuryente, tubig, linya ng telepono habang may mga lugar pang lubog sa tubig baha.

Patuloy rin ang tulong ng pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

Ang dalawang nabanggit na lungsod ang pinakamalalang naapektuhan ng kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply