Illegal loggers sa ARMM malalagot kay Hataman

MARIING binalaan ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Officer-in-Charge (OIC) Mujiv Hataman na hindi sasantuhin ng kanyang tanggapan ang mga illegal logger at mga nasa likod ng illegal logging sa Lanao del Sur na itinuturong dahilan ng malawakang pagbaha sa Iligan City.

Tiniyak ni Hataman na ipararating niya sa taong bayan kung sino ang matutuklasan nilang nasa likod ng illegal logging at sasampahan ng kaukulang kaso kahit sino pa ang masasagasaan.

Ngayong umaga, ipinatawag ni Hataman ang Provincial Environment and Natural Resources Officer sa Lanao del Sur upang magsumite ng report kaugnay sa usapin.

Sa inisyal na imbestigasyon ng gobernador, lumalabas na takot ang ilang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipatupad ng mahigpit ang batas laban sa illegal logging sa rehiyon bunsod ng takot laban sa banta ng mga sindikato.

Nabatid na ipinag-utos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Hataman bilang OIC governor sa rehiyon na ipatupad nang mahigpit ang total log ban sa ARMM.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply