Illegal logging sa Tubli, Caramoran untouchable

ANG sabi ng Department of Environment and Natural Resources, konti na lang ang mga illegal logging pero sa Catanduanes ay rampant ang nag-ooperate ng illegal logging partikular na sa Tubli, Caramoran, Catanduanes.

Hindi ko lang alam kung saan nakuha ni DENR Sec. Ramon Paje ang kanilang report na konti na lang ang  bilang ng nag-ooperate ng illegal logging sa mga  ka-bundukan ng mga probinsya.

Sa Tubli, Caramoran ay hindi matigil-tigil ang pagpuputol ng mga logger sa mga malalaking punongkahoy sa mga kabundukan. Wala kasing ipinagyayabang ang mga logger na kinilalang sina Vicente, Buddy Nazareno at Pedro Balbuena kundi ang name ni Sec. Paje.

Matagal na raw na inirereklamo ng mga residente ng Tubli, Caramoran, Catanduanes ang rampant na operation ng illegal logging ng mga logger na yan kay Gov. Joseph Cua pero hanggang ngayon ay wala pang aksyon si Gob.

Pero wag kayong maingay (pssst…ibubulong ko sa inyo)Bzzzz…palibhasa kasi may iligal din si gob.

Mantakin ninyo, sa tuwing may mga bagyo, ang Tubli, Caramoran ang unang nagbabaha dahil sa wala nang kumokontrol sa mga tubig ulan na nanggagaling sa itaas ng kabundukan.

Wala kasing habas na pamumutol sa mga punongkahoy sa kabundukan ng Tubli Caramoran ang ginagawa ng mga tarantadong mga logger na ito.

Gov. Cua, kumilos ka naman para mapakinabangan ka ng mamamayan!

HINDI HINUHULI KAHIT TALAMAK NAQU

Hindi pa rin kumikilos si COP Supt. Romeo Caramat para paghuhulihin ang sandamakmak na video-karera na inilatag ni Kapitana Bebot dela Cruz sa Dagupan City, Pangasinan.

Daig pa ni Supt. Caramat ang isang pipi, bingi at bulag kahit ilang beses na inerereklamo ay dinededma lang niya.

Magkano ba hepe?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply