Immigration tagumpay laban sa katiwalian

IPINAGMALAKI ni Immigration Commissioner Ricardo David na tagumpay ang kanilang kampanya laban sa katiwalian sa loob ng Bureau of Immigration (BI).

Nagbabala rin ang dating hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga malalapit na tauhan at kawani nito na parurusahan sa ilalim ng batas ang sinumang gagamit ng kanyang pangalan upang mangolekta ng suhol.

Ayon kay David, tinupad niya ang kautusan ni Pangulong Benigno Aquino na linisin ang kawanihan nang hirangin siya ng Punong Tagapagpaganap noong buwan ng Marso, matapos ang walong buwan paglilingkod bilang chief of staff ng AFP.

Sa kanyang pagtantiya, sinabi ni David na bumagsak sa kalahati ang katiwalian sa ahensiya at nagawa niya ito sa mabuting pamumuno sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang halimbawa.

Umapela rin ito sa publiko na huwag magbigay ng suhol sa mga opisyal at kawani kapalit ng mabilis na proseso sa kanilang aplikasyon.

Aniya, dapat nang mahinto ang nasabing kalakaran upang ang mahikayat ang mga empleyado na magbigay ng agaran at mahusay na serbisyo nang walang hinihintay na kapalit.

Nanawagan din si David sa publiko na iwasan na ang pagsusumite ng mga pekeng dokumento para sa kanilang aplikasyon sa bisa, dahil hindi ito makakalusot sa mapanuring pagsisiyasat ng mga BI hearing officer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply