Impeachment ni Corona leksyon sa abusadong opisyal

MALAKING leksyon sa mga abusadong opisyal ng gobyerno ang naganap na impeachment sa Mababang Kapulungan ng Kamara laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona, ito ang sinabi kanina isang militanteng solon.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Emmi De Jesus, naipaalam nila sa mga Filipino ang simpleng leksyon sa pulitika na ang bawat desisyong pulitikal na ginagawa ng mga miyembro ng House of Representatives ay dapat na sinasagot ang katanungang “para kanino at para saan?”

Aniya, kahit pa si Corona ang Chief Justice, napatunayan ngayong “no one is above the law.”

Importante rin ani De Jesus, ang accountability sa pamumuno upang malaman ng lahat na hindi dapat na may iba pang interes ang sinuman kapag nasa katungkulan na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply