Impeachment vs Corona itinanggi

MARIING pinabulaanan ng isang mambabatas na may nagsusulong sa impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Quezon Rep. Lorenzo Erin Tañada, walang nag-file ng impeachment complaint laban kay Corona.

Diniin pa ni  Tañada na wala siyang natutunugan na anumang pagsasampa ng impeachment laban sa chief justice.

Itinanggi din ni Tañada na may hakbang para mapalitan ang rules of impeachment para mas mapadali ang pagpapatalsik kay Corona na appointee ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nilinaw ni Tañada na hindi basta-basta mapapalitan ang rules of impeachment dahil nakasaad ito sa Saligang Batas na dadaan sa pagtalakay ng mga mambabatas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply