Impeachment vs Corona may halong political at personal agenda

NANINIWALA si Caloocan Bishop Deogracias Iniguez na may halong “political at personal agenda” ang impeachment case na kinakaharap ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Iniguez, chairman ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nakalulungkot na ang namamayani sa sistemang pulitikal sa bansa ay pawang pansariling interes lamang at hindi para sa mas nakararami.

Nagpahayag rin ng pangamba ang obispo na baka maapektuhan ang bansa dahil sa mga nangyayaring sigalot sa pagitan ng mga matataas na opisyal ng bansa sa ngayon.

Umapela rin naman ang obispo sa mga mambabatas na sana ang isulong ay ang interes at kapakanan ng taumbayan.

Nauna rito, sa botong 188 na-impeach ng Kamara si Corona.

Natanggap na rin naman ng Senado ang Articles of Impeachment laban sa punong Mahistrado at inaasahang masisimulang maisagawa ang impeachment trial sa Enero ng susunod na taon, sa pagbabalik ng kanilang sesyon.

Nabatid na hanggang sa Disyembre 16 na lamang ang sesyon ng Kongreso para bigyan daan ang Christmas break.

Mainit rin ngayon ang usapin hinggil sa hidwaan sa pagitan nina Corona at Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply