Impeachment vs PNoy sineseryoso na ng oposisyon

SINESERYOSO na umano ng mga miyembro ng oposisyon sa Kamara de Representantes ang  paggawa ng kanilang resolusyon para patalsikin sa puwesto si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino.

Ayon kay Minority Leader Edcel Lagman, kung noon ay kanilang  pinagninilay-nilayan pa ang  nasabing  usapin ay nagiging seryoso na sila ngayon sa pagsasagawa ng kanilang hakbang laban sa Pangulo.

Inamin ng lider ng oposisyon na malaking  bagay ang   nagaganap na paglapastangan ng  Ehikutibo sa Korte Suprema upang kanilang isulong ang nasabing balakin matapos ang ginawang mabilisang pagpasa sa Senado ng impeachment complaint laban kay Chief  Justice  Renato Corona.

Hindi pa rin inilahad ni Lagman ang magiging  kalalabasan ng kanilang  impeachment complaint kay Aquino subalit kanila umanong maiging pag-aralan ang pagkilos laban dito. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply