Impeachment vs SC Justice Del Castillo sufficient in substance

INAIMIN ngayon ni House Justice Commitee Chairman at Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr., na nagulat siya sa resulta ng botohan ng sufficient in substance sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Nang magbotohan sa sufficiency in form ay naging dikit ang resulta kung saan 11 ang pumabor habang sampu ang tumutol at isa ang nag-abstain.

Pero sa botohan kanina para sa sufficiency in substance, sinabi ni Tupas na overwhelming ang botohan kung saan 40 ang nag-yes habang pito lamang ang kumontra, na pawang miyembro ng Minorya.

Ayon kay Tupas, nakita dito na solido ang boto at ito’y dahil mas nagkaroon ng mas mahabang panahon ang mga kongresista na pag-aralan ang impeachment complaint. Nasa pitong buwan buwan bago ulit magkaroon ng hearing dahil ilang beses silang nagkansela.

Sa kabila nito, sinabi ni Tupas na mahaba pa ang pagdaraanan ng impeachment complaint laban kay Del Castillo dahil kinakailangan pang determinahin kung may grounds ang reklamo at kapag nakalusot, tsaka pa lamang dadalin sa plenaryo.

Bibigyan naman si Del Castillo ng sampung araw para magsumite ng kanyang komento.

Sa Enero ng susunod na taon na muling magsasagawa ng pagdinig ang House committee on justice.

Ang reklamo ay nag-ugat sa pangongopya diumano ng desisyon ni Del Castillo sa lumang hatol sa kaso ng World War II comfort women na dahilan upang sampahan siya ng kasong betrayal of public trust dahil sa plagiarism.

Mahigit sa 90 porsiyento ng miyembro ng komite ang dumalo ngunit nanatiling tutol sa botohan sina Minority Leader Edcel Lagman, House Deputy Minority Leader Danilo Suarez, Zambales Rep. Mitos Magsaysay, Bohol Rep. Arthur Yap, Isabela Rep. Rodolfo Albano, Mindoro Occidental Rep. Ma. Amelita Calimbas Villaroza at si DIWA Party-list Rep. Emmeline Aglipay na miyembro ng Mayorya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply