Inaabusong kababaihan, kabataan tutulungan ng QC govt

SA PAMAMAGITAN ng suporta mula sa mga pagamutan at law firms, pangungunahan ni Vice Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ang pagtulong ang mga kabataan at kababaihang naging biktima ng pang-aabuso.

Sinimulan na ng Quezon City General Hospital (QCGH) ang pagbubukas ng kanilang center na pansamantalang paglalagyan upang matulungan at maproteksiyunan ang mga naging  biktima ng karahasan sa pang-aabuso.

Nakahanda rin ang pagamutan na maglaan ng tulong medikal, psychological, tulong ng pulis at legal assistance sa isang pasilidad lamang nila.

Kabilang sa mga ayudang ibibigay ay ang mga naging biktima ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act; RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse; RA 8353 o Anti-Rape Law; RA 8505 o Rape Victim Assistance and Protection Act, at Quezon City Gender and Development (GAD) Code.

Magiging kasangga ni Bemonte sa programa ang Federacion Internacional de Abogadas, Circlulas de Abogadas, University of the Philippines-Philippine General Hospital’s child protection unit, QCGH, Quezon City Police District, Social Services and Development Department and Gender and Development Resource and Coordinating Office ng pamahalaang lungsod at maraming NGOs para malabanan  ang lahat ng klase ng pang-aabuso sa mga kabataan at kababaihan. Alex Ching

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply