Inakalang pagkain, fetus nadiskubre sa garapon

NADISKUBRE ang isang fetus na nakalagay sa isang garapon matapos na akalain ng isang basurero na pagkain ito na kanyang napulot sa kalsada sa Sampaloc, Maynila kaninang umaga.

Nakakabit ang pusod, may mga dugo pang bahid ang katawan ng lalaking fetus na tinatayang nasa anim hanggang walong buwan, na inilagay sa garapon at nakabalot sa plastic.

Sa ulat ni SPO3 Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:45 ng umaga nang matagpuan ang fetus sa P. Paredes st, Sampaloc, Maynila.

Pinulot umano ni Maricel Melvin, 30, basurero, ang plastic na may garapon dahil sa pag-aakalang pagkain na pakikinabangan.

Agad naman itong inireport kay Chairman Blas Punzalan ng Barangay 396, Zone 41 ang natagpuang fetus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply