Inaway ng dyowa dahil sa pera, bebot nagbigti

TIGOK ang isang babae nang magbigti sa loob ng bahay makaraang awayin ng kanyang ka-live-in dahil sa pera sa Caloocan City, kaninang umaga.

Patay na nang makita si Jennifer Martinez, 37, ng Champaca St., Baesa.

Nabatid kay SPO4 Romeo Acebuque, Police Community Precinct 2 Commander na alas-7 ng umaga nang makitang nakabigti ng lubid ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng isang kapitbahay.

Lumalabas sa imbestigasyon na kagabi ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ka-live-in nito na si Wilmar Oliveros, 21 dahil sa pera.

Nang umalis si Oliveros ng bahay ay kinuha naman iyon na pagkakataon ng biktima para magbigti.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply