Indian national patay sa banggaan ng sasakyan

NAMATAY ang isang Indian national makaraang masangkot sa banggaan ng pampasaherong bus at kotse sa Brgy. Tuyo, Balanga City, Bataan kagabi (Disyembre 9).

Dead on the spot si Vir Zhing, 25, habang sugatan naman ang kasama nito na nakilalang si Jiwan Zhing, 21.

Batay sa imbestigasyon binabagtas ng mini bus na may plakang PXZ-582 na minamaneho ni Francisco Mendoza ang lugar nang aksidenteng makabangga ang Toyota Vios na may plakang PQV-178 sakay ang mga biktima.

Nawalan umano ng control sa manibela si Mendoza at aksidente nasalpok ang sasakyan ng mga biktima.

Patuloy pang inaalam ang tunay na sanhi ng aksidente, habang patuloy na ginagamot sa ospital ang sugatang biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply