Indonesia nilindol ng 5.9 magnitude

NIYANIG ng lindol na may 5.9-magnitude ang Indonesia kaninang umaga, Disyembre 19.

Ayon sa US seismologists, naitala ang pagyanig bandang 9:23 am (0123 GMT) na may lalim na 33 kilometro (21 miles), sa 57 kilometro ng southwest ng main city ng Palu.

“There was some shaking but no major panic in Palu. There’s no report of casualty or injury so far,” ayon kay Suharjono, technical chief ng Meteorology and Geophysics Agency ng Indonesia.

Wala namang napaulat na sugatan at wala ring nasirang mga ari-arian habang wala namang tsunami alert makaraan ang lindol.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply