Inspection protocol babaguhin ni Biazon

BALAK ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na baguhin ang proseso sa pag-inspeksyon sa mga produktong agrikultura at magdagdag ng mga quarantine officers sa pag-eksamin sa mga produkto na kalimitan ay misdeclared o undervalued.

Sa isang panayam ni Biazon sa mga pork and hogs raiser organization na nagrereklamo sa pagpasok sa merkado ng mga inismagel na karne, masama ang epekto nito sa industriya ng mga nagmamay-ari ng maliliit na backyard piggeries.

Ayon kay Biazon, maaari niya umanong atasan ang mga quarantine officers na mag-eksamin sa mga pumapasok na agri-goods tulad ng karne at mga gulay at magagawa umano ito sa pakikipag-ugnayan at maayos na koordinasyon sa ibang ahensya ng pamahalaan.

Bukas umano si Biazon sa mga suhestiyon na rebisahin ng Customs ang inspection protocol sa mga agri-products upang mawala ang technical smuggling na nagbabawas sa kita ng mga nagtatanim at naghahayupan.

Magsasagawa umano ang Customs ng post-entry audits sa mga nagungunang importer ng karne upang seguruhin na ang mga produkto galing sa ibang bansa na nabibili nila ng mura ay hindi aapaw sa lokal na merkado. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply