International airport sa Puerto Princesa itatayo sa ‘12 – Mar

SISIMULAN sa huling bahagi ng darating na taon ang pagpapagawa ng bagong international airport sa Puerto Princesa, Palawan upang lalong mapalakas ang turismo dito.

Ayon kay Transportation and Communications Secretary Manuel “Mar” Roxas II, inapruba na ng Malakanyang ang proyekto.

Ito sa ngayon ang pinakamalaking pagawain na pamamahalaan ng kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

“PNoy just OK’d our P4.5-billion Puerto Princes airport project,” tweet ni Roxas sa kanyang Twitter account.

Gagamitin umano ang development assistance (ODA) mula sa ibang bansa bilang pondo sa pagpapagawa ng nabanggit na airport.

Sinabi rin ni Roxas na magpapa-bid ang DOTC sa mga kontraktor ng isang engineering design sa darating na Enero.

Bandang gitna naman ng taong 2012 ipa-finalize din umano ang mga detalye ng pagpipinansya dito ng pamahalaan ng South Korea.

“(I) feel big responsibility to deliver this. Tuloy-tuloy na ’to,” pagtitiyak ni Roxas.

Ang paggamit ng ODA upang pondohan ang proyekto ay hindi orihinal na plano ng pamahalaan.

Una itong binalak na ilagay sa listahan ng public-private partnership (PPP) contracts.

Ang PPP ay paraan ng gobyerno upang hikayatin ang mga pribadong grupo upang makilahok sa pagpapaunlad ng mga proyektong imprastraktura.

Ipinaliwanag ni Roxas na nagdesisyon ang pamahalaan na ibahin ang orihinal na balak dahil sa pamamamagitan ng paggamit ng ODA ay matatanggap nito ang mga murang pautang na inaalok dito.

Nauna rito ay nakatatanggap ng puna ang administrasyong Aquino dahil sa umano’y mabagal nitong pag-iimplementa ng programang pang-imprastruktura, na umano’y siyang sentro ng pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Dahil umano dito ay naging mabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang gross domestic product, na siyang kabuuang produksyon at serbisyo ng bansa, ay lumaki ng 3.2 porsiyento lamang noong July-September period.

Ayon sa PPP website ng gobyerno, ang proyekto ay naglalayong paunlarin ang Puerto Princesa International Airport at gawin itong world-class at pasado sa standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply