International support kay GMA inismol ng Malakanyang

INISMOL ng Malakanyang ang ipinagmamalaki ng kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo na “good news” na iuuwi ni Atty. Raul Lambino.

Magugunitang bumiyahe ng Europe si Lambino para mangalap ng international support para kay Arroyo.

Una nang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na maganda ang resulta ng biyahe ni Lambino at “excited” na silang ibalita pagdating nito sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hayaan na lamang na magsalita nang magsalita ang mga abogado ni Arroyo.

Ayon kay Lacierda, naniniwala silang walang epekto ang nasabing international support sa mga kasong kinakaharap ng dating pangulo.

Mas mabuting sa korte na lamang umano harapin ni Arroyo ang kaso at maglabas ng ebidensya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply