Inutil ang mga police ng Taguig City

BULAG ba o sadyang nagbubulag-bulagan lamang ang pamunuan ng Taguig City Police sa talamak na droga, holdapan, illegal connection ng kuryente at cyber sex ng mga menor de edad diyan sa may  MRB C-5?

Ayon sa sumbong ng mga residente ng  MRB –C5 na nakarating si Lily’s Files, talamak daw dito ang tong collection mula sa mga internet na nagpapalabas ng nakahubad na menor de edad na  mga  kabataang babae at cyber sex.

Wala raw magawa rito ang mga residente mula sa 19 na building na may tig-60 units  na nasa MRB C-5 dahil isang pulis Makati na nagngangalang “Bong” ang may-ari ng mga internet café.

Hindi lang pala cyber sex ang problema ng mga residente rito dahil talamak din ang droga at holdapan sa nasabing lugar.

Sinasabing nakikita lang daw ang mga pulis dito kapag araw ng pangongolekta ng “tong” sa mga internet café ni Bong.

Bukod sa droga, holdapan at cyber sex ay pinakatalamak daw sa 19 na gusali  ang illegal connection ng kuryente  sa bawat building.

Sa 60 unit bawat building ay mayroong 40 umano ang mga walang linya ng kuryente ngunit ang ipinagtataka ng ilang residente rito ay kung bakit pagsapit ng gabi lahat ng unit ay may ilaw na at nakabukas magda-mag ang kanilang mga aircon.

Wala raw magawa rito ang ilang residente dahil karamihan umano sa mga putol ang linya ng kuryente ay pawang mga pulis at may mga  baril.

Halos 10 taon na raw ang problemang ito ng mga residente pero nagbubulag-bulagan lang ang mga kinauukulan. Partikular natin na tutukuyin dito ang pulis at ang MERALCO.

Para sa inyong reklamo mga suggestion at komento, mag-text lang sa 09155683000  o kaya ay mag-email sa lily_reyes-13@yahoo.com. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply