Inutil na batas, inutil na mga mambabatas

NAKARIRIMARIM, naka-iiyak…

Hindi tayo makapaglabas ng tamang salita para ilarawan ang nagaganap na kalamidad sa mga lugar na sinalanta ng flashflood ni Sendong sa maraming lugar, lalo na sa Cagayan de Oro at Iligan.

Ngunit bigo man tayong ilarawan ang nakapaninindig-balahibong nagaganap sa nasabing mga lugar, ang katotohanan ay naiiyak tayo. At napatatawag tayo kay Bathala na kaawaan sana niya ang lahat ng mga pamilyang dinapurak ng mga kalamidad.

Magkagayunman, pinipilit nating tingnan ang mga pahina ng ating kasaysayan upang maka-silip man lang tayo ng kasagutan sa tanong kung bakit nagaganap ang nakakikilabot na kalamidad ngayon na dulot ng mga baha.

oOo

Ah, oo, panahon pa ni Manong Ferdie nang may kautusan na nagbabawal ng illegal logging. Itinuring itong mabigat na krimen at may 20 taong pagkabilanggo na parusa rito.

Noong panahon naman ni Gloripie, ipinanukala nito sa Kongreso na gawin na lang na bitay ang parusa sa illegal logging. Kaugnay ito ng libong namatay sa Quezon, Aurora, Nueva Ecija dahil sa flashflood mula sa illegal logging. Tinabla ito. Nang naging Pangulo na si PNoy, iniutos din nito ang tigil-logging.

Sa kabila ng lahat ng mga aksyong ito ng mga namumuno ng repablik ni Juan, wala talagang nangyari.

Dahil dito, tuloy-tuloy naman ang mga kalamidad mula sa mga baha sa mga kabundukan.

oOo

Ang totoo, higit na mapaminsala ang ligal na logging kaysa iligal dahil kayang sakupin ng legal logger ang buong bundok para kalbuhin.

Kaugnay nito at dahil sa mga nagaganap na kalamidad, dapat nang mag-isip nang husto ang mga onorabol kung ano ang gagawin sa logging: Tigil o tuloy?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply