‘Ipagdasal n’yo ang laban ko’— Viloria

NANANAWAGAN si WBO flyweight champion Brian “Hawaiian Punch” Viloria sa kanyang mga kababayan na ipagdasal siya sa kanyang laban kay challenger Giovani “El Guerrero Azteca” Segura sa Linggo (Disyembre 11).

Pinamagatang “Island Assault 3,” ang laban ng dalawa ay ipapalabas sa North America sa pamamagitan ng pay-per-view ng Integrated Sports Media.

Ang bakbakan ng dalawa ay ipapalabas ng live sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, Metro Manila, Philippines.

Ayon kay Viloria, kailangan niya ang tulong ng kanyang mga kababayang Pinoy para magtagumpay siya.

Aniya, malaking bagay ang panalangin ng mga fan niya para sa maipagtanggol niya ang kanyang hawak na korona.

Sa PPV ay tampok ang laban nina Martin “El Brochos” Honorio (31-16-1, 16 KOs) at Fahsai “Mountain Boy” Sakkreerin (36-2, 20 KOs) ng Thailand para sa IBF Interim Super Featherweight Championship.

Kabilang din sa undercard ang laban nina undefeated Filipino favorite Al “Captain A” Sabaupan (17-0-1, 12 KOs) at Roy “The Sniper” Muklis (23-3-2, 18 KOs) para sa IBF Pan Pacific Lightweight Championship.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply