Ipakuha kaagad kay lord ang mga magnanakaw

ANG daming nananakawan ngayon.

Sa mga sasakyan, sa mga bakuran at sampayan ng damit, sa mga sari-sari istor o sa mga puwesto sa palengke.

Kung walang makuha ang mga ito sa mga nabanggit na lugar, pinapasok mismo ng mga magnanakaw ang mga tahanan o opisina.

Kung wala pa ring makulimbat ang mga ito, tao na mismo ang kanilang hinoholdap o sinasalisihan.

oOo

Nauunawaan natin ang isang malaking dahilan kung bakit napakarami na ng mga magnanakaw.

Sobrang gipit ang kalagayan ng marami ngayon.

Yung mga may trabaho nga, eh, kapos na kapos para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan, di lalong masama ang kalagayan ng mga istambay.

Itong mga istambay, kahit gusto nilang magkaroon ng trabaho ay wala talagang makitang trabaho.

Tinatayang limang milyon, Suki, ang bilang ng mga ito.

Eh kung isama ang kontraktuwal na ENDOC (end of contract) kung tawagin, kasama na rin sila ng mga istambay.

Ayaw magbanggit ng bilang ang gobyerno ukol sa mga kontraktuwal o ENDOC pero sa tantiya ng iba, naglalaro na ang mga ito sa 7-10 milyon.

Kung maiisipan ng lahat ng ito ang magnakaw para sila mabuhay at mabuhay na rin ang mga sumasandig sa kanila, eh, di sobra-sobra na ang mga magnanakaw?

Milyon-milyon din ang kanilang bibiktimahin.

Ano na lang ang mang-yayari sa mahal nating bayan?

Hu! Hu! Hu!

oOo

Pero itong mga organisadong kawatan ang matindi dahil yang pagnanakaw ang kanilang ikinabubuhay, may krisis man sa hanapbuhay o wala.

Dahil dito, napipilitan tuloy tayong manalangin na kunin na lang sana agad sila ni Lord para hin-di na sila makaperhuwisyo pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply