IRGP 5 tagumpay!

MULI na namang umarangkada ang pinaka-aabangang 2-wheel race sa bansa— ang Inside Racing Grand Prix 5 (IRGP 5)! Dumagsa ang mga fans at riders sa Carmona Racing Circuit noong Nobyembre 27, araw ng Linggo para sa final round ng IRGP 5.

Umabot sa 104 karerista ang sumabak sa racetrack upang maturingang titleholder sa pinkapipitagang IRGP. Ang mga rider ay nagmula sa apat (4) na manufacturer teams, at dalawampu’t lima (25) naman mula sa mga pribadong koponan.

Lahat ng nakasali at naka-qualifuy sa final round ng IRGP ay maituturing na ring kampeon ngunit mayroon talagang mga rider na sadyang mas magaling kaysa sa iba, o kung sa opinion man ng iba, ay mas swerte. Isa sa mga rider na ito ay si Dashi Watanabe ng MTRT, na siyang nakakakuha ng dalawang trophy mula sa limang sponsored categories na pinaglabanan: ang trophy para sa Denso Spark Plugs Automatic GP at ang trophy para sa Castrol Power 1 Automatic GP. Si Watanabe, na mula sa isa sa mga pribadong koponan, ay hinirang din na Fastest Privateer sa mga naturang kategorya.

Wagi rin ang Team Suzuki nang araw na iyon dahil sa sila ang nakapag-uwi ng Manufacturer’s Award sa tatlong kategorya— ang award para sa Denso Spark Plugs Automatic GP, Castrol Power 1130 GP at Castrol Power 1 Automatic.

Pole position man si Tracy Soyancgo ng Motobok-Kawasaki sa Castrol Power 1130 GP, ang Team Suzuki rider na si John Lery Enriquez naman ang nakakuha ng top podium spot. Ang 2nd placer na si Raniel Resuello ng RAR-Kawasaki ang nakakuha ng award para sa Fastest Privateer.

Master rin kung maituturing si Brian Ortile na siyang nagwagi sa karera para sa Gulf Pride Masters Trophy. Ang Manufacturer’s Award para sa nasabing kategorya ay napunta sa Yamaha Philippines. Hindi rin nagpahuli ang mga chikiting na riders; wagi ang batang si John Allen Mendez para sa Top 1 Juniors trophy at tinuringan ring Fastest Privateer sa naturang kategorya. Si Mendez ay rider ng Motortrade-Eneos-Suzuki team. Samantala, ang Honda Philippines naman ang nagwagi para sa Manufacturer’s award.

Ang sumusunod ay ang opisyal na listahan ng top 8 winners sa bawat kategorya:

Denso Spark Plugs Automatic GP

Top 8
1. Dashi Watanabe
2. John Lery Enriquez
3. Victor Laude
4. Casey Ng
5. Herbert Lopez
6. Ivan Santiago
7. Benjo Mendoza
8. Paul Pangilinan

Castrol Power 1 130 GP

Top 8
1. John Lery Enriquez
2. Raniel Reseullo
3. Marvin Mangulabnan
4. Anthony Roman
5. Lyndon Requilme
6. Tracy Soyangco
7. John Emerson Inguito
8. Raul Keken Cabahug

Castrol Power 1 Automatic Trophy

Top 8
1. Dashi Watanabe
2. Casey Ng
3. John Emerson Inguito
4. Lyndon Requilme
5. Ralph Kenneth Torres’
6. Nicolo Ramos
7. Garry Cañeda
8. Ivan Santiago

Gulf Pride Masters Trophy

Top 8
1. Brian Ortile
2. Jaime Barcial
3. Masato Fernando
4. Paulo Labador
5. Jeff Chan
6. Paul Mark Doblada
7. Mark Indiongco
8. Nino Fabian

Top 1 Juniors Trophy

Top 6
1. John Allen Mendez
2. Gerald Cruz
3. Gio Adrino
4. Ralph Kenneth Torres
5. Gerald Jae Nunez
6. Garry Cañeda

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply