Isa sa pumugang preso sa CPJ nahuli

BALIK-SELDA ngayon ang isa sa limang pumugang preso sa Cagayan Provincial Jail (CPJ).

Nahuli si Agustin Cauilan sa isang ikinasang checkpoint sa Barangay Carig, Tuguegarao City kagabi (Disyembre 11) habang  sakay ng isang tricycle.

Nakilala ng mga pulis si Cauilan dahil sa hawak nilang larawan ng mga nakatakas na bilanggo mula sa CPJ.

Kaugnay nito, sinabi ni Senior Supt. Mao Ranada Aplasca, direktor ng PNP Cagayan, na batay sa kanilang pagsisiyasat ay lumalabas na planado ang nasabing pagtakas ng anim na preso.

Ayon kay Aplasca, bago ang insidente ay may isang hindi nakikilalang ginang ang nagbenta ng saging sa presong si Jong Romero na inalok naman ng huli sa jail guard na si Dante Dagdag.

Lingid kay Dagdag, ang laman pala ng supot na pinaglalagyan ng saging ay isang hindi malamang kalibre ng baril.

Kaya nang buksan ni Dagdag ang kandado sa selda ni Romero upang kunin ang inaalok na saging ay tinutukan siya ng naturang bilanggo.

Inutusan umano ng mga tatakas na preso ang jail guard na buksan din ang mga kandado sa selda ng iba pa nilang mga kasamahan para makasama sa kanilang pagtakas.

Nang dumating naman ang iba pang rumespondeng jail guards ay tinutukan din sila ng baril at patalim at saka ipinasok sa isang selda.

Agad na tumakas ang anim na bilanggo na sumakay sa dalawang tricycle na naghihintay sa kanila sa labas ng piitan.

Sa kasalukuyan ay tinutugis ng pulisya ang lima pang nakawalang preso na sina sina Vincent Badajos, Jong Romero, Kevin Chua at Christopher Tasi na pawang may mga kasong carnapping, robbery, frustratated at murder.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply