Isda posibleng kulangin ngayong Kapaskuhan

BUKOD sa loaf bread na nakaambang tumaas, namimiligro namang kulangin ang mga isdang ititinda sa merkado pagdating ng Pasko at Bagong Taon dahil sa pagiging in-demand nito sa holiday season.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director, Asis Perez, mataas ngayon ang demand ng mga mamahaling isda gaya ng lapu-lapu, samaral fish, island bass at maging ang mameng at ang sugpo dahil kalimitan itong inihahanda tuwing Noche Buena at Media Noche.

Ayon kay Perez, kapag in-demand ang naturang mga isda, nagsasamantala ang mga negosyante sa presyo nito kaya patuloy ang pagtaas ng halaga ng naturang mga isda hanggang sa sumapit ang Pasko at Bagong Taon.

Kasunod nito, nagbabala ang opisyal laban sa mga negosyante na itama lamang ang presyuhan at huwag samantalahin ang panahon ng Kapaskuhan para maitaas ang presyo ng isda. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply