Iskuwater malapit sa NAIA kailangang ilipat – MIAA

IGINIIT ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pangangailangang mailipat ng tirahan ang mga iskwater na nananahan sa mga lugar na nakapalibot sa mga paliparan partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa kanilng kaligtasan.

Ayon kay Joseph Agustin, airport ground operations and safety division chief, nag-uusap na ang MIAA at ang mga lokal na pamahalaan ng Pasay at Paranaque sa relokasyon ng mga iskwater na malapit sa airport.

Nasasakop umano ng Pasay at Paranaque ang apat na terminal ng NAIA – ang Manila Domestic Airport at ang Terminal 1 hanggang 3 kung saan ang mga runway ng mga ito ay nakalinya sa mga lungsod ng Pasay, Paranaque at maging ng Taguig.

Sinabi naman ni  CAAP Director General Ramon Gutierrez, ang general aviation operations na siyang namamahala sa mga bumibiyahe ng maliliit na eroplano at mga helicopter service ay kailangan nang ilayo sa NAIA at ilipat sa mas ligtas na lugar at magpapaluwag sa runway traffic sa pangunahing paliparan sa bansa.

Itinuturo ni Gutierrez ang Sangley Point sa Cavite na may mas mahabang runway at napapaligiran ng mas malaking bahagi ng dagat kaysa mga kabahayan tulad ng sa NAIA.

Hindi na rin problema ang biyahe patungong Sangley mula sa Maynila sa pagbubukas ng Manila Cavite Expressway o Cavitex. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply