Iskwater na na-relocate ginisa sa sariling mantika

MULI nating busisiin ang perang pondo na inilaan ng Ayala Group sa mga iskwater ng Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City na ni-relocate sa Southville, Brgy. San Isidro, Montalban. Ang pondo umano na ito ay pinag-interesan pang dekwatin ng mga taga-National Housing Authority (NHA) at ng barangay officials ng Brgy. Bagong Pag-asa.

Aba’y hindi lamang pala sa mga taga-Brgy. Bagong Pag-asa na nasa Montalban ang dinidedal ng mga taga-NHA at barangay. Maging ang pondo na inilaan ng  Ayala sa mga taga-North Triangle, QC na na-relocate sa Brgy. Gaya-gaya Bulacan ay dinidedal din.

Mantakin ninyo, ang budget na ibinigay ng Ayala sa bawat pamilya ng taga-North Triangle na nagpa-relocate sa Brgy. Gaya-gaya, Bulacan ay umaabot sa P210,000.

Pero nang mapasakamay ng NHA at barangay ang  budget ay P5,000 at ilang kilong bigas at sardinas na lang ang ibinigay ng mga ito sa mga na-relocate.

Sabihin na natin na P5K ang para sa pagpapakabit ng kuryente ng MERALCO, P5K sa pagpapakabit naman ng tubig sa Water District, P5K sa ginamit na truck na pinaglagyan ng mga gamit ng bawat pamilya mula sa QC to Gaya-Gaya at P5K naman sa van na ginamit ng 7 to 8 na pamilya.

Kung susumahin natin ang lahat ng ito ay umaabot lang sa P20,000 ang kabuuan.

Ang tanong natin kay GM Chito ‘kara ‘y’ Cruz ng NHA,  saan na napunta ang nawawalang P190,000?

Saan man ‘yun ay malalaman natin sa na mga araw.

VK NI KAPITANA NAMAMAYAGPAG

Wala pa ring tigil si Kap. Bebot dela Cruz sa pag-ooperate ng mga VK sa Dagupan City kahit na marami nang kabataan ang nagugumon sa paglalaro ng nasabing makina.

Malakas kasi ang ‘padrino’ niya.

oOo

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply