Ismagling ng asukal lalansagin

NANGAKO ngayon ang National Bureau of Investigation (NBI) na tutuparin nila ang pangako ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na lalansagin ang korapsyon sa industriya ng asukal.

Ayon kay Gen. Joel R. Goltiao (ret.), pinuno ng Sugar Anti Smuggling Organization (SASO), nilinaw ni Pangulong Aquino sa kanila na dapat mahuli sa lalong madaling panahon ang mga korap na opisyal upang mapanagot.

Ito umano ang sagot nila sa Operation Hammerdown, kung saan target ng sugar industry na lansagin ang problema sa ismagling.

Aniya, nakahuli na ang SASO ng 54,900 bags ng smuggled sugar stocks noong Hunyo 2011 sa Meycauayan, Bulacan.

Nakalagak umano ito sa warehouse sa Bulacan na gwardyado ng Bureau of Customs personnel.

Nagkaroon rin umano ng pagtatangka sa Pier ng Manila kung saan 16 na container ng smuggled sugar (8,000 bags) ang inabandona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply