Ivler iginiit na magamot sa QMMC

IBINIIT kaninang umaga ni Jason Ivler ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na payagan siyang maratay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) para gamutin ang kanyang sugat at ang pagbaligtad o reversal ng kanyang colostomy.

Mismong ang mga abogado ni Ivler na sina Joseph Sagandoy, Jr., Edwardson Ong at Priscilla Marie Abante ang humiling nito sa Branch 84 Judge Luisito Cortez para madala ang kanilang kliyente sa QMMC.

“Under the foregoing circumstances and further considering the payments and the undertaking made by the accused (Ivler), this urgent motion for medical confinement is already ripe for adjudication,” pahayag ni Ivler sa kanyang 3-pahinang petisyon sa korte.

Ang mga prosekyutor aniya ay hindi na nilabanan ang kanyang naunang apela para madala sa ospital sa ginanap na na pagdinig noong Nobyembre 18 at Disyembre 2 na mismong si Cortez ang nag-atas na magsumite ng pruweba ng mga nakaraang bayarin na kanyang nagastos sa QMMC sa kanyang mga nakaraang operasyon at sa kinahaharap na medical treatment.

Ani Ivler, gumastos ang kanyang nanay na si Marlene Aguilar ng P79,187.50 noong Abril 6, 2010 at P21,889.50 naman noong Nob. 14, 2011 para sa hospital fees.

Binayaran rin niya ang kanyang attending physicians na si Ma. Jojo Mercado ng P15,000 na ibingay nito noong Nob. 23, 2011; Epitacio Cenedoza, P110,000 noong Nob. 23, 2011; Araceli Jacoba, P2,000 noong Nob. 24, 2011; Fernando Lopez, P30,000 noong Nob. 23, 2011; Romeo Ramos Abary, P180,000 noong Nob. 23, 2011; Jorge de Castro, P40,000 noong Nob. 23, 2011; Minerva Macabeo, P30,000 noong Nob. 23, 2011, at Benjamin Garcia Manlutac Jr., P42,000 oong Nob. 23, 2011, o sa kabuuang halaga na P449,000.

Kaya aniya nila ang gastusin ng kanyang pagpapagamot sa ospital.

Nahaharap sa kasong murder si Ivler dahil sa pagpatay kay Renato Victor Ebarle, Jr., anak ni Office of the President undersecretary Renato Ebarle, Sr., sa isang traffic altercation noong Nobyembre 18, 2009.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply