Janelle Manahan nasa ilalim na ng WPP ng DoJ

INILAGAY na sa witness protection program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) si Janelle Manahan,  kasintahan ng pinaslang na aktor na si Ramgen Revilla.

Pinirmahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang aplikasyon ni Manahan para mapasailalim sa WPP dahil sa sinasabing banta sa buhay nito.

Si Manahan ay nakaligtas sa nangyaring pagpatay kay Ramgen noong Oktubre.

Siya rin ang tumatayong testigo laban sa ilang itinuturong sangkot na sina Joseph at Ramona Bautista na kapatid ng pinaslang na aktor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply