Janelle Manahan nais na mapasailalim sa WPP

IHAHAIN ngayong hapon ng kampo ni Janelle Manahan, kasintahan ng pinaslang na si Ramgen Revilla, sa Department of Justice (DOJ) ang aplikasyon para mapasailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Inihayag ng abogado ni Manahan na si Atty. Restituto Mendoza na nangangamba pa rin sila sa kaligtasan at seguridad ni Janelle at maging ng pamilya nito lalo na at nakalalaya pa rin si alyas “Bryan” na isa sa mga suspek sa pamamaslang kay Ramgen.

Kasalukuyan, nasa ilalim ng pangangalaga ng Task Force Ramgen ng Parañaque City Police si Mahanan.

Kaugnay ng kaso, tiniyak ni Mendoza na dadalo si Janelle sa preliminary investigation bukas (Disyembre 2) sa Parañaque Prosecutors’ Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply