Japan nagpadala ng tulong sa typhoon victims

KAHIT hindi pa gaanong nakakarekober sa matinding krisis dala ng lindol at tsunami, nagpadala pa rin ng tulong ang pamahalaan ng Japan sa Pilipinas para sa mga biktima ng bagyong Sendong kaninang umaga.

Sa report, nagpadala ng humanitarian goods na aabot sa halagang 25 milyong yen o P14 milyon ang Japan.

Kasama rito ang mga water tanks, generators at iba pang uri ng ayuda.

Matatandaang nagpahatid si Japan Foreign Minister Koichiro Gemba ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga namatay sa bagyo.

Sinuguro rin ng pamahalaan ng Japan na mananatili silang tapat sa kanilang pangakong tutulong sa disaster management ng gobyerno ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply