Jinggoy kay GMA: Pwede akong tour guide sa VMMC

TILA kinukutya ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na maging “tour guide” nito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

“Puwede akong maging personal tour guide niya sa VMCC,” pabirong tugon ni Estrada sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo nitong Sabado.

Sinabi pa ni Estrada na dapat harapin ni Arroyo ang kasong electoral sabotage na isinampa sa Pasay City Regional Trial Court at iwan nang tumakas na siyang magpapalala pa sa sitwasyon.

“Manalig na lamang siya at magdasal, na siyang aking sandalan noong makulong kami kasama ang aking ama sa VMCC,” ayon kay Estrada.

Umabot sa dalawang taon ang “pagkakakulong” ng mag-amang Estrada sa VMMC sa kasong plunder na kalaunan, na-absuwelto si Jinggoy at nahatulan naman ang dating Pangulong Joseph Estrada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply