Joe d’ Mango ninakawan ng P100K ng sariling driver

TINATAYANG P100,000 ahg natangay ng mga magnanakaw mula sa Kapamilya anchor na si Joe D’ Mango o Rolando Sulit sa tunay na buhay.

Ayon kay Joe, pinagkatiwalaan niyang mag-withdraw para sa kanya ng P100, 000 sa bangko sa Mandaluyong City ang kanilang family driver na si Ananias Jun Simovitu Dazo Jr.

Dahil 10 taon na nga sa serbisyo , tiwala na ang pamilya na utusan itong mag-withdraw ng malaking halaga para ipampasweldo sa kanilang mga empleyado.

Ngunit kahapon, matapos ihatid sa kanilang bahay ang kanilang mga anak ay hindi na nagpakita pa ang suspek.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply